September 7, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
On Ilocos Norte shifting to MECQ from September 7-30: Nauna na inannounce na GCQ with heightened restrictions kahapon.
Tungkol naman sa pilot implementation guidelines sa NCR, ito ay kasalukuyang pinag-uusapan pa. Babalitaan namin kayo as soon as information becomes available.
Usaping bakuna po. As of September 6, 2021, nasa higit 36 milyon na o 36,190,983 ang total doses administered.
Sa bilang na ito, 20,907,411 ang nakatanggap ng first dose samantala nasa 15,283,572 ang naka-2 doses na o fully vaccinated na.
Ito naman po ang lagay ng bakunahan sa Metro Manila. As of September 6, 2021, nasa mahigit 13,381,071 ang total doses administered.
Nasa higit 8 milyon naman po 8,261,461 ang nakatanggap ng first dose habang nasa higit 5 milyon o 5,119,610 na ang nakatanggap ng 2 doses.
Inumpisahan natin ang isyu kahapon sa Philippine Red Cross sa paglalarawan dito bilang sui generis. Ibig sabihin, hindi ito publiko, hindi rin ito pribado.
Kahapon ay nabanggit ko rin ang ilan sa mga gawain ng Red Cross sa ilalim ni Sen. Gordon na may kinalaman sa donasyon ng mga makina at test kits.
Kaugnay nito, may hurisdiksyon ho ba ang Commission on Audit (COA) sa Philippine Red Cross? Ang sagot, mayroon po.
Nakasulat po sa Article IX ng ating batas na ang COA ay may kapangyarihan na magsagawa ng post-audit basis sa lahat ng accounts pertaining tp the expdenditure or uses of funds by such non-governmental entities receiveing subsidy or equity, directly or indirectly from or through the government.
Bukod pa po dito, nasa R.A No. 10072 o ang Philippine Red Cross Act of 2009 na ang PRC shall at the end of every calendar year submit to the President of the Philippines an annual report containing its activities and showing its financial condition.
Dagdag pa ng nasabing batas, ang presidente ng Pilipinas ay siyang honorary president ng Philippine Red Cross.
Mayroon ding co-issuances na nag-aallow na magsagawa ng special audit sa PRC. Ito ay makikita sa COA Circular No. 96-003 which prescribes accounting and auditing guidelines on the release of funds assistance to non-governmental organizations/people's organizations (NGOs/Pos)
May basehan ba ang sinasabi ng Presidente na humingi sa COA ng special audit para sa PRC? Mayroon po. Malinaw po ito sa Section 4.8. Isa sa tungkulin ng pamahalaan na mag-request sa COA para sa special audit of NGO on case to case basis.
Samantala, sa Section 6.2 ay nakasulat na ang COA ay may responsibilidad na magsagawa ng special audits ng NGOs/POs upon request by proper authorities or as determined by the Chairman.
Ilan sa maaring tignan ng COA ay ang RT-PCR testing na isinagawa ng PRC... 'Yong MOA ng PRC sa Metro Manila Mayors para sa mass COVID-19 testing... 'yong MOA ng PRC sa PhilHealth kung saan (audion inaudible) ng Php 100 million bilang advance payment for mobilization through interim reimbursement mechanism.
Malinaw kasi po na nakalagay sa PRC Charter na hindi ito maaring kumikita habang ginagampanan nito ang kanyang mandato.
Ang advance payment clause sa MOA ay klarong paglabag sa PRC charter at Bayanihan to Heal As One Act.
Bukod pa rito, Php 3,500 ang testing na sinisingil ng PRC. Ito ay mas mataas sa Php 2,077 na dapat nilang tanggapin kung ang mga kagamitan ay galing sa donasyon.
Simula 2016 ay walang sinumite ang PRC sa Presidente na naglaman ng kanilang gawain at nagpakita ng kanilang mga financial condition katulad ng pinag-uutos ng R.A. 10072.
Good news po ha? Japan Credit Rating Agency or JCRA affirmed the credit rating of the Philippines. We maintain our "A-" rating with a stable outlook.
According to JCRA "Once the pandemic gets subdued, however, the country's potential growth will recover and the economy is expected to return to a high growth path."
Isa pang magandang balita po ha. Bumaba ang ating unemployment rate. Mula 7.7% noong June 2021 ay naging 6.9% ito noong July 2021.
Usec. Manny Caintic, DICT:
Ang VaxCertPH ng isang taong nabakunahan ay base sa laman ng nasa VIMS database.
Ang VaxCertPH ay dinisenyo alinsunod sa digital documentation of COVID-19 certificates, vaccination status na guidelines ng WHO.
Ang QR Code ng inyong VaxCertPH ay aakma sa impormasyong naibigay ng vaccinee sa kung anuman ang nakalagay sa VIMS database.
Ang inyong VaxCertPH ay nahahati sa isang upper portion at isang lower portion.
Sa upper portion ng inyong digital certificate ay makikita ang inyong mga personal na detalye, issuance details at certificate ID number na may siyam na numero.
May karagdagang detalye na nakalagay sa lower portion ng inyong VaxCertPH na nagpapakita ng inyong dose number, petsa kung kailan nabakunahan, type ng bakuna, brand ng bakuna...
Ang VaxCertPH ay inyong digital vaccine certificate na gumagamit ng QR code at may nakapaloob na security measures gaya ng paggamit ng private at public key.
Ito po ay libre. Maaring ma-access sa ating self-service portal.
Ang VaxCertPH ay hindi isang immunization passport. Isa po itong patunay lamang na ang isang tao ay nabakunahan dito sa Pilipinas at nakikita ang kanyang datos sa VIMS.
Hindi rin ito nilalayon na maging isang identification card at hindi ito nilalayon na palita ang ating National ID initiative.
Ang inutos ng IATF ay gumawa ng paraan para magbigay ng patunay na ang isang tao ay nabakunahan na nang kumpleto.
ng VaxCertPH ay hindi isang app. Ito ay isang portal na pwedeng puntahan ng tao para makuha ang kanyang patunay. Para siyang birth certificate or NBI clearance.
Kahapon, maganda ang turnout sa Navotas at sa iba pang cities sa NCR.
Inaalam namin, iwinawasto namin, ini-improve namin muna ang proseso, para pagdating sa national launch ay na-perfect na natin at naiwasto na natin ang ating mga proseso. Bigyan lang tayo ng ilang linggo at mabubuksan din naman.
Marami pang ibang bansa sa mundo na wala pang ganitong sistema. Nangunguna po tayo.
'Yong mga nabakunahan sa ibang bansa, wala pa pong guidelines ang IATF at NVOC kung paano natin sila i-a-accomodate.
Ang utos sa amin ngayon ay unahin muna ang patunay kung dito ka nabakunahan ng kumpleto.
Ang yellow card, kailangan iyon sa ibang bakuna.
Dr. Alethea De Guzman, DOH:
Ito pong policy shift na pinag-uusapan natin ay it came from the analysis of our data showing that whenever we put these areas under lockdown, 'pag tinignan talaga natin 'yong 80% ng mga bagong kaso po natin ay hindi naman po sa lahat ng barangay ng buong siyudad.
Base po sa nakita natin sa NCR, laging naglalaro from 11-30% barangay contributing to the 80% of our cases.
Ikalawa rin po, nakikita po natin ang mga ECQ, ang MECQ ay panandalian lamang. It is really there to be implemented temporarily and is there to buy us time.
Ang gusto natin ay mapababa ang kaso. But more and beyond that, mapababa ang porsyento na naging critical, severe at fatalities.
Even during ECQ, pinayagan ang mga POGO ng Presidente mismo kasi kailangan natin ang kita. Ginagamit niya ang kita para sa COVID response.
Anna Marie Rafael, Benguet Electric Cooperative:
Tayo po ay nagdaan sa napakahabang proseso po na pag-apply na general manger ng BENECO. Actually nag-umpisa po ako nung 2020, July 2020. Napaka-tedious po ng proseso na pinagdaanan natin.
Doon po sa proseso na 'yan, we have undergone 3 interviews, background investigations and noong Mayo po na-endorso tayo.
Pero gumagawa pa rin po ng issue ang ibang mga board of directors ng BENECO.
Napakasalimuot po pala. Ako na po na galing gobyerno, nagtataka kasi napakasalimuot ng kanilang pinaggagawa sa mga electric operatives.
Comments