September 10, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Balitang IATF po muna tayo inaprubahan po provisionally ang guidelines on the pilot implementation of the alert levels system for COVID-19 response in the National Capital Region (NCR). Ito po ay aprubado bilang pilot o pagsubok lamang.
Sang-ayon po dito sa policy shift na gagawin natin, dalawa na lang po ang ating quarantine classification. Ito po ang ECQ na ipapataw ng IATF o 'di naman kaya ang GCQ. Ang pupwede at hindi pupwede ay depende po sa alert level na nakapataw sa lugar, sa loob mismo ng Metro Manila. Ito po ay magiging kada-siyudad at kada-munisipyo.
Now, kapag Alert Level 4, ayan po 'yong pinakamataas no? At sa Alert Level 4 'yong 3 C; 'yong close contact, 'yong close atsaka 'yong... 'yong close contact saka close ay ipagbabawal 'yan. Kapag Alert Level 4 ay wala pong dine-in saka wala rin pong mga personal services. Wala rin pong mass gatherings.
Pero pinaplantsa pa po 'yong mga detalye at kung ano ang mga pupwede sa Alert Level 4.
Now, lahat po ng areas magpapatupad po ng granular lockdowns sang-ayon po sa guideline ng NTF. Ang pagkakaiba, 'yong mga lockdowns na ito ay mas strikto. Limitado ang APORs sa health workers, allied health professionals pati po mga taong gobyerno o nagtatrabaho kapag kayo po ay nasa ilalim ng localized lockdown, hindi kayo pupwede lumabas at dahil hindi kayo pupwede lumabas, bibigyan kayo ng assistance ng respective LGU at ng DSWD.
Pangalawa po, 'yong mga bumabalik po na OFW at umaalis at mayroon mga emergency.
Magbibigay po ng ayuda ang LGU at ang DSWD para hindi na po kinakailangang lumabas ang kahit sino sa mga lugar na naka-granular lockdown.
Makikita n'yo po talaga na itong bagong policy shift po ay ninanais 'yong mga industriya na manatiling bukas sa GCQ.
Kapag Level 3 po, mayroon lang porsyento na papayagan.
Now, sa ibang bagay pa po, (audio inaudible) ...ng IATF ang naunang resolusyon kung saan hinayaan po 'yong aplikasyon ng debit-credit payment method sa high at critical risk areas.
Inaprubahan din po ng inyong IATF ang pagbuo ng task force on oxygen supply sa ilalim ng task force against COVID-19.
Ang DTI ay magsisilbing lead at ang DOH ang magiging co-lead.
Panghuli, pinayagan ng inyong IATF ang clinical rotation ng post-graduate interns regardless of community quarantine status.
Kailangan lang po sumunod sa guidelines na ilalabas ng Commission On Higher Education (CHED) at ng DOH.
Usaping bakuna naman po tayo. Dumating po kaninang umaga ang higit kalahating milyon o 502,000 doses ng AstraZeneca na binili ng pribadong sektor o ng LGU sa pamamagitan ng A Dose of Hope.
Mamayang hapon, inaasahan na darating ang isa't kalahating milyon na doses ng Sinovac na binili ng pamahalaan.
As of September 9, nasa 37,728,140 ang total doses administered sa buong bansa.
Nasa 21,589,180 ang nakatanggap ng first dose at 16,138,934 ang fully vaccinated.
Samantala, 13,922,708 ang total doses administered ho sa Metro Manila as of September 9, 2021. Sa bilang na ito, 5,610,408 ang kumpletong nabakunahan po.
Sa ibang bagay, may kumalat po na video sa aming meeting sa IATF. Unang-una po, classified secret ang pagpupulong ng IATF. Bakit po? Kasi lahat po ng desisyon ng IATF ay makakaapekto sa lahat ng Pilipino, mayaman o mahirap.
Well, unang-una po, kinukumpirma ko po na tayo po ay naging emotional at pasensya naman po, tao lamang.
Doon sa rekomendasyon ng dalawang doktor, si Dr. (Maricar) Limpin at si Dr. (audio inaudible), na mag-impose ng hard ECQ lockdown.
Naging emotional din po si Dr. Limpin kaya doon po ako naging emotional kasi parang importante po na marinig 'yong damdamin ng mga maliliit na tao nating mga kababayan na nagugutom na po sa palaging pag-lockdown.
Hindi po tamad ang mga Pilipino. Hindi po sila umaasa sa ayuda. Handa po sila magtrabaho. Bigyan lang po natin sila ng pagkakataon na magtrabaho.
Nilinaw ko lang po na kapag ikaw ay hindi sang-ayon sa hard lockdown na magiging dahilan na magutom ang ating mga kababayan, hindi po ibig sabihin no'n na hindi ka na concern sa mga nagkasakit.
Ang pakiusap ko lang po... huwag po nating isipin ang mga desisyon ay parang clinical decision lang. Ito po ay nakakaapekto sa buhay lalong-lalo na sa mga nagugutom at naghihirap ng mga Pilipino.
Nagalit po talaga ako dahil sa tingin ko po panahon na marinig po ang inyong boses ng IATF. Tama na po ang lockdown.
Usec. Epimaco Densing, DILG:
Ito po 'yong mga direktiba na naaprubahan kahapon officially ng IATF maliban sa 3 area.
Una sa lahat, itong policy shift na pinag-uusapan natin ng maraming linggo... nakita po natin na itong pagsasagawa ng granular lockdown ay isang epektibong pamamaraan.
Dahil itong mga nakaraang mga community quarantine na ginagawa sa pang-rehiyon at mga probinsyang level, nakikita na natin na hindi na ito epektibo dahil marami pong taong lumalabas.
Mayroon po tayong na-identify na 41 APORs at sa palagay po natin, kapag lumalabas sila ay sumasabay na ang mga non-APOR.
Burahin na natin sa ating sistema o kaisipan ang GCQ, MGCQ, ECQ, MECQ na terminolohiya. Dalawang klase na lang ang ating lockdown. Isang pang-malawakang lockdown na idedeklara as last resort ng ating IATF at isang lugar na hindi naka-total lockdown na paggamitan natin ng Alert Level 1-4.
Itong granular lockdown ay maaring isang bahay, isang purok, isang kanto... Ang ating granular lockdown ay ide-deklara ng ating mga mayors, up to the barangay level.
Ang Alert Levels po o itong pilot ay pasisimulan natin hopefully by September 16-30 sa NCR lamang dahil po ang mga probinsya o LGU sa labas ng NCR ay paggagamitan pa rin natin ng dating omnibus guidelines.
Nabanggit ko kanina, mayroon po tayong Alert Level 5... ififinalize na po 'yong terminology kung Alert Level 5 or ECQ pero isa lang po ibig sabihin, ito po ay idedeklara lang as last resort ng IATF.
Mayroon din po tayong Alert Level 4... 100% po bawal ang 3Cs activities...
Sa Alert Level 3 naman ay 30% papayagan, sa Alert Level 2 50% papayagan at sa Alert Level 1 ay ito na 'yong ating new normal kung saan ay halos pwede nang gawin basta importante na nagpapractice ng minimum health standards.
ความคิดเห็น