top of page
  • Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

December 22, 2020




Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Gaya ng ating nakasanayan na, nagbigay po ng talk to the people kagabi ang ating Pangulo Rodrigo Duterte mula sa Davao.

  • Nagbigay ng pahayag ang Pangulo sa shooting incident sa Tarlac kung saan mariin n'yang sinabi na hindi n'ya pinapayagan ang mga maling gawain ng mga abusadong pulis.

  • Sabi nga ng Presidente, "You do it right, I'm with you. You do it wrong, and there will be a hell to pay."

  • Muling inulit ng Pangulo ang kanyang posisyon tungkol sa mga firecrackers or paputok.

  • Binanggit niya ang isyu tungkol sa kalidad at kaligtasan ng mga produktong nabibili sa merkado at pinagalitan ang mga manufacturers dahil hindi naglalagay ng tamang labels at babala sa kanilang mga produkto.

  • Inatasan ng Pangulo ang Department of Interior and Local Government (DILG) na bantayan ang pagbebenta ng mga explosives bilang bahagi ng laban kontra NPA.

  • Nagbigay ng presentation ang ating Vaccine Czar Carlito Galvez Jr kagabi kung saan inireport n'ya sa Pangulo kagabi na ibinababa na sa lokal na pamahalaan ang guidance ng Pangulo tungkol sa COVID-19 na "We are not safe until everyone is safe."

  • Kasama sa guidance which was cascaded to the LGUs ay tungkol equitable access for the poor and indigents ng bakuna, ang pabibigay prayoridad sa mga frontliners, health care workers, sundalo, pulis at essential workers at ang lahat ng mga Pilipino ay dapat may bakuna, walang exception.

  • Binanggit din ang istratehiyang gagamitin geographical at sectoral.

  • Sa geographical kasama sa focused areas ang NCR, Region IV-A, Region III, Davao City, Cebu City, CDO, Baguio City, Bacolod, Ilo-ilo, Zamboanga City, Tacloban City, General Santos City at iba pang apektadong lugar.

  • Pagdating naman sa multiple access, ito ay magiging public private partnership.

  • Sa Public, magcoconcentrate sa mga focused areas habang sa private ito naman ay sa workers, consumers/market, donasyon at sa LGU sa share national government burden.

  • Pinaalalahahan natin ang lahat na umiiral na po ang 60-day price freeze sa mga essential good sa Luzon matapos magdeklara ang pamahalaan ng state of calamity dahil sa pananalasa ng sunod-sunod na bagyo noong nakaraang buwan.

  • Nag-apply ito sa lahat ng mga supermarkets at mga grocery stores.

  • Ang deklarasyon ng state of calamity sa Luzon noong November 18 ay epektibo hanggang January 17, 2021 kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin na nasa listahan ng DTI ay hindi maaring gumalaw sa panahon na 'to.

  • Para naman sa ating pang-Noche Buena, naglabas ang DTI ng suggested retail price (SRP) sa noche buena products noong November 9 tulad ng hamon, fruit cocktail, keso, queso de bela, spaghetti, macaroni, tomato sauce, sandwich spread, mayonnaise. Naku lahat ng 'yan diresto sa bilbil ko.

  • Ang presyo ng mga produktong ito na nasa listahan ng DTI ay nasa presyong 2019 simula noong November 15 hanggang December 31, 2020.

  • Nagpapasalamat ang DTI sa mga manufacturers ng mga produktong ito sa pagpayag na bumalik sa presyong 2019 para makatulong sa mga mamimili.

  • Makikita n'yo po ang listahan nito sa website ng DTI.

  • Sa mga consumers na makakakita ng pagtaas, maari n'yong ipagbigay alam ito sa ONE-DTI (1-382) Hotline at mag-email sa ConsumerCare@dti.gov.ph

  • Nakita n'yo ba kagabi ang sinasabing Christmas star? Naku maswerte tayo sa henerasyon natin dahil lumitaw ito pagkaraan ng 800 taon matapos 'yan makita 'yan mag-aantay na naman ng 800 years.



OPEN FORUM:

  • Sa ginawang krimen ni Police Master Sergeant Jonel Nuezca, maaari bang ikunsidera ni PRRD ang death penalty at ano ang makukuhang leksyon ng mga pulis sa ginawa ni Nuezca: Wala. Ang pagpapasa po ng death penalty, pagbubuhayan sa mula't mula prayoridad ng ating Presidente ngunit nakasalalay po ang mangyayari sa batas na 'yan sa kamay ng mga mambabatas sa mababang kapulungan at ng ating senado.

  • Ang pwedeng leksyon po d'yan ay naku mga pulis, it takes only one, one of you to destroy the reputation and integrity of the institution. Bagama't sinasabi po natin sa lahat ngayon na nag-iisang bugok lang naman ang pulis na 'yan e nakita n'yo naman ang epekto. Kaya nga po importante na sa inyong mga buhay, alalahanin n'yo po na hindi lang kayo si Juan dela Cruz, kayo po ay kabahagi ng institusyon no na isang institusyon na kung saan 'pag nawala ang tiwala po ng taumbayan, ang resulta po ay magkakagulo. So kailangan po mag-ingat tayo sa pang araw-araw nating buhay. Maging ehemplo na at ipadala ang mensahe na dito sa bayang ito dahil tayo po ay naniniwala sa rule of law. Ang nagpapatupad ng batas ay s'yang susunod sa batas.

  • Sa pahayag ng PNP Chief Sinas kaugnay na hindi s'ya sang-ayon sa pagkuha ng litrato at videos dahil maari pang ikapahamak ng witness: Well, may posibilidad po talaga na magkaroon ng kumbaga danger do'n sa buhay ng kumukuha no pero ganon pa man, nand'yan ang teknolohiya para mapabilis po ang paglilitis no ng mga lumalabag sa batas

  • Kaya nga po may ilan na nagsasabi dapat magkaroon ng body cam ang pulis para makita natin kung ano ang nangyayari bago gumamit ng dahas ang pulis no kaya rin po napakarami nating CCTVs sa lansangan para makita natin kung sino ang gumagawa ng krimen lalong-lalo na 'yong issue ng identification.

  • So sa akin po, mas mabuti pa rin na nagkaroon tayo ng gan'yang video dahil napakadali pong patunayan ng pananagutan ng pulis na ito dahil i-aaunthenticated lamang ang video na 'yan kung sinong kumuha at pwede na pong matanggap 'yan bilang ebidensya.

  • Sa Davao City po ba magdiriwang ng Pasko at Bagong Taon si Pangulong Duterte? Ang Pasko po ang sigurado pero hindi ko pa po alam 'yong sa Bagong Taon.

  • Ano ang irerekomenda ng Office of the President para mabago ang recruitment policies sa pulis? Ang sabi ng president kagabi, dapat siguro paigtingin pa ang neuro examination ng mga pulis. Ito 'yong neuro-psychiatric tests dahil sa pamamagitan ng test na ito ay makikita natin kung sino ang mga bugok at iwasan na nating makapasok ang mga bugok na ito. Tingin ko naman po pag-aaralan pa kung paano mapaigting ang pagsasala at tanging mga magagaling lang ang makakapasok sa kapulisan.

  • Napakalaki ng ating PNP. By large respetado sila dahil talagang buhay ang kanilang kapital sa kanilang trabaho. Huwag naman po nating lahatin.

  • Talagang walanghiya, bugok, gago at talagang gusto nating batukan at talagang naku hindi lang batok siguro pero kinakailangang dumaan sa proseso pero hindi naman po sila lahat ay gaya ng siraulong ito (Nuezca) .

  • Sa mga penalized PNP personnel: Well binigyan po ako ni Police Brig. Gen. Ildebrandi Usana ng statistics. Ang mga na-dismiss na from service from July 2016 to December 16, 2020 ay 4,784.

  • Ang total demotion po ay 890 habang ang total suspension ay 8,349; ang forfeiture of salary ay 658; ang reprimand ay 1,803; ang witholding of privileges ay 226.

  • Ang grand total po ng mga naparusahan ay 16,839.

  • Malinaw po ang stand diyan. Pabor ang Presidente sa death penalty lalong-lalo na sa widescale drug trafficking, pero nasa kamay na 'yan ng mambabatas.

  • Sa balak ng Pangulo sa firecracker industry: Sinabi niya na sa huling taon ng Pasko habang siya ay nanunungkulan ay iba-ban na niya ang firecrackers.

  • Hindi po ba option ang stricter regulation of the industry? Well, inihalintulad lang po ni Presidente ang ginawa n'ya sa Davao na absolute ban talaga (firecrackers) so 'yan po ang nasa isip ng Presidente bagama't marami pong naghahanapbuhay, nakasalalay ang hanapbuhay sa industriyang ito, binigyan n'ya ng one final year na sila po ay magbenta ng firecrackers pero sang-ayon po sa mga Metro Manila Mayors, bawal po 'yan sa Metro Manila.

8 views0 comments

댓글


bottom of page