SPECIAL ANNOUNCEMENT ON GOVERNMENT'S COVID-19 RESPONSE
- DWWW 774 Admin 05
- Jul 30, 2021
- 3 min read
July 30, 2021
Announced by Presidential Spokesperson Harry Roque:

Matapos po ang tatlong sunod-sunod na araw ay nakaabot na po tayo sa kalahating milyon na daily jab target.
Nasa 646,390 ang nabakunahan kahapon, July 29. Ayan po ay sang-ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard.
Nasa 19 milyon o 19,359,927 na po ang total doses administered.
Inaasahan natin na maabot po natin ang 20 million doses bago po matapos ang buwan ng Hulyo.
Samantala, mahigit 7 milyon o 7,835,715 ang fully vaccinated na.

Balitang IATF naman po tayo. Inaprubahan po ng Presidente ang rekomendasyon ng IATF na ilagay ang NCR sa GCQ subject to heightened and additional restictions. Ito ay magsisimula ngayong araw hanggang August 5.
Simula naman August 6, ang NCR Plus ay maeescalate sa ECQ hanggang August 20.
Maraming oras ang ginugol para pag-debatehan ang bagay na ito dahil binabalanse nga po natin ang pagpapabagal ng pagkalat ng COVID-19 dahil sa Delta variant at 'yong karapatan nating mabuhay at mabawasan ang mga nagugutom.
Kasama sa mga heightened restrictions ang pagbabawal sa indoor dine-in services at al fresco dining. Ang pwede lang po ay take-out at delivery.
Sa mga pumasok po ngayong araw, July 30 sa mga nasabing establishments, maari pa rin kayong magbukas hanggang mamayang gabi. Bukas po magiging epektibo 'yong pagbabawal sa dine-in at al fresco dining.
NCR lang po ang ECQ. NCR lang po ang ECQ.
Samantala, pinayagan ang personal care services gaya ng beauty salons, beauty parlors, barber shops at nail spas hanggang 30% ng venue o seating capacity.
Ang indoor sports courts at venues; indoor tourist attractions; specialized markets ng DOT ay hindi rin po makakapag-operate.
Pinapayagan naman ang outdoor tourist attractions sa 30% venue capacity.
Ang pinapayagan lang na bumiyahe sa labas at sa loob ng NCR Plus Area ay ang APOR.
Tanging virtual religious gatherings lang po ang pinapayagan. Lahat po ng mass gatherings bawal po muna. Ang lamay at libing naman ng mga namatay na hindi COVID-19 ang dahilan ay pinapayagan pero ito ay para lang sa immediate family members.
Ang ilang provision ng Omnibus Guidelines na hindi apektado ng mga nasabing restriction ay magpapatuloy kasama ang operasyon ng pampublikong transportasyon. Patuloy ding ipo-promote ang active transportation.

Samantala, ang Gingoog City, Iloilo City, Iloilo Province at Cagayan De Oro City ay mananatiling ECQ simula August 1 hanggang 7.
Nadagdag naman po ang Cebu City at Cebu Province sa mga lugar na nasa MECQ simula August 1 hanggang 15 subject sa mga apela ng LGU.

Inaprubahan din po ng IATF at ng Presidente ang rekomendasyon na i-extend ang travel restriction sa 10 bansa simula August 1 hanggang 15.
Kasama po dito ang India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, United Arab Emirates, Indonesia, Malaysia at Thailand.
Sinuportahan naman ng inyong IATF ang draft joint AO on the Revised Standard Guidelines on the Strict Observance of Health Protocols in the Conduct of the Licensure Examinations during Public Health Emergency na ginawa ng DOH, PRC at PNP.


Samantala, inaprubahan din po ng inyong IATF ang listahan ng "Green" countries/jurisdiction/territories.
Ang mga ito po ay Albania, American Samoa, Anguilla, Antigua and Barbuda, Australia, Azerbaijan, Benin, Bermuda, Bosnia and Herzegovina, Brunei, Bulgaria, Burkina Faso, Cayman Island, Chad, China, Comoros, Côte d'Ivoire (Ivory Coast), Dominica, Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands, Gabon, Gambia, Ghana, Grenada, Hong Kong, Hungary, Kosovo, Laos, Mali, Marshall Islands, Federated States of Micronesia, Moldova, Montserrat, New Caledonia, New Zealand, Niger, Nigeria, North Macedonia, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Romania, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Barthelemy, Saint Pierre and Miquelon, Singapore, Sint Eustatius, Slovakia, Taiwan at Togo.
Kung kayo po ay mananatili lang sa inyong tahanan, huwag na po kayong mag-panic buying dahil mayroon naman po tayong isang linggo para magprepara dito sa 2-week na ECQ.
Sabi nga po ng ating Presidente, mahirap man, mapait man ang desisyon na ginawa natin, ito po ay para sa kabutihan ng lahat.
Comments