August 31, 2021
President Rodrigo Duterte:
Gusto malaman ng taumbayan 'yong pera nila... now if you think you really want to know the truth, how the money is spent, kung may korapsyon ba... makinig lang ho kayo.
Ngayon, kami, by our oath of office, we are mandatated to tell the truth.
By the nature of our trabaho, talagang obligado kami na magsabi ng totoo even 'yong totoo ay makakasira sa amin.
Me and many instances... and every time I tried to explain to the people bakit gano'n? Why I earn a certain public statement or... kung ano... sinasabi ko sa inyo ang totoo na gano'n pala.
So ano talaga ang sasabihin ko? Ayan talaga ang totoo at galing 'yan sa mga departamento na mga gabinete na tumutulong sa akin.
'Yong report nila (gabinete), report ko 'yan.
Sa batas kasi, shadow lang iyan mga cabinet members ng presidente kasi hindi ko kaya lahat ng trabaho ko. So they work and they show me the result.
'Yong pera na binibigay ng Congress, 'yong sa budget, paano nila nagastos at paano nagawa na magawa 'yong report na... that would make things clear for everybody.
Ngayong pulitika ngayon... hindi ako namumulitika pero huwag n'yo paniwalaan agad 'yong sinasabi sa Kongreso lalo na 'yang mga congressman.
Puro daldal lang 'yan para makaporma kasi eleksyon na.
Ang hinihingi ko sa taumbayan, 'yung lahat na senador-ito ay kung pagbigyan niyo lang ako-na tumatakbo, talunin ninyo. Huwag ninyong ibalik sa senado kasi magdaldal at magdaldal na lang 'yan at mag-show off.
Lalo na itong si Gordon. Sa mga TV, kapag committee hearing niya, pakita mo maraming congressman kapag roll call pero dahan-dahan mawawala 'yan kasi si Gordon, champion noong.. puro daldal. Kanya ang tanong, kanya ang sagot at siya ang magsasabi kung mali ka o hindi.
Gordon is Gordon. Hindi 'yan for the Filipino people, puro English lang 'yan.
Sino napakulong niya sa anomalya ng gobyerno? Sino? Talkathon nga.
The Filipino people, have you noticed that is right or wrong here? Nagsasalita 'yung tao... Leading questions, bugbugin mo ng 7 hours ang tao ng tanong, mawawala talaga 'yan, maski ako tanungin mo.
Ang advice ko sa'yo (Sen. Gordon) magpapayat ka muna para... nalilipong ako pag nakikita kita. Huwag mo putulin 'yan ha? Totoo 'yan.
Pati 'yong buhok mo ngayon, iba na ang hinapay. Lahat kayo, pati si Ping, iba ang hair look.
Si Ping naman, silang dalawa ni Gordon nag-usap. Sabi ni Gordon about Duque resigning, demand to resign.
Pumasok naman itong si Ping... 'di ba tayo lang ang pwede magparesign ng... si Duque.
Ping, anybody can demand you resignation maski na ice cream vendor. Depende na lang kung sasagot ka o hindi.
Itong star witness niyong isa-itong si Acierto-wala na, napaalis na. 'Yon 'yong magbi-build up siya ng kaso kunwari, pero siya lang mag-isa ang gumagawa. Nakita ko ito kay Michael Yang-siya lang ang nagbibigay ng information about Michael Yang.
Tapos pino-program na nila because Acierto was one of the top kidnappers dito sa Pilipinas.
Michael Yang has been in business in the Philippines for 20 years. Nag-umpisa 'yan dito sa Davao.
Nag-umpisa 'yan dito sa Davao, pumunta sa akin 'yan-I remember distinctly kasi break 'yun ng command conference-kasama si Sammy Uy na isang kaibigan ko.
Akala ko ba we are inviting investors? That's why I went to China several times to ask them to help us. Investments, 'yong pera nila ibuhos na lang dito para magkaroon tayo.
Now kung kulang, kung wala, well, ayang bridge diyan sa Pantaleon Alvarez ba 'yan? 'Yan, libre 'yan. Gratis.
Bakit ako magdududa? Bakit ko sasabihin na drug lords 'yan? Si Zhao kapag nagpunta ng Davao, doon natutulog sa bahay niya.
Itong imbestigasyon ng Congress, dalawa ito, magkahiwalay. 'Yong unspent, flinag sila na bakit hanggang ngayon, nandiyan pa 'yong pera? Hindi pa naubos, hindi pa ninyo nagastos.
Ito namang isa ay 'yong procurement ng DBM, ngayon, ay bakit DBM eh dapat DOH 'yan. Sabihin ko sayo na hindi nila kaya magbili ng ganoon karaming
On DOLE Sec. Silvestre Bello: Bebot is clean. Kilala ko iyong bituka niya. Hindi ako nangangampanya.
Ako ang nag-utos kay Duque... Ako ang nasabi sa kanya "I'm sure there's a law that would exempt you from bidding. 'Di na kailangan mag-bidding, madalian ito, pandemic eh. Lahat tayo nakatago sa bahay."
So, minabuti ni Duque, nag-bidding pa rin. Nag-bidding na... Gano'n din ang istorya. Marami pa ring daldal.
Well ngayon, si Imee (Marcos) ganito ang laro niyan. Pinupuntahan si Mayor Duterte sa Davao. Hoping na magtakbo 'yon, siya ang maging bise. E hindi naman tatakbo, sabi niya.
Sabi ko tatakbo ako ng vice president. Bakit? Walang oposisyon. Hindi naman mananalo ang oposisyon na 'yan. Sigurado ako, 'yong Osto Diretso ulit na naman 'yon. Walang ipinakita sa Pilipinas pati 'yong bidding ng mga protective gear... PPE... nagbili na ang past administration niyan, hindi pa kasagsagan ng pandemic.
They bought it at 3,000+ Dito sa atin, we bought it at 1,700 lang.
Itong last administration, nandyan ang papel... COA hindi kayo nagtaka. 'Yong nagdaang administrasyon bumili, 3000. 3,500. Ito binili, 1,700. Bidding ba 'yon?
Itong illegal recruitment, this is a widespread crime committed by different people. Nakikita natin ang victims na kawawa, dumating sa ibang bayan parang natulala. Di nila malaman paano nangyari 'yan.
Sa totoo lang, gusto ko patayin mga 'to...sa ginagawa nila sa kapwa tao nila, mawalan na ng pera, mapunta pa ng bayan, makulong dun kasi illegal e, fake, falsified, fraud na 'di naman nila kasalanan.
Kung tutulong tayo, todohin na natin. If I'll give you mga P3 billion, would that make a difference in the number of OFW children enrolled in schools now?
Bakit hindi niyo imbestigahan lahat ng na-flag. Marami ang na-flag, hindi lang DOH. DOH ay high profile because of the COVID situation.
To Sec. Duque: I will not sit beside you now kung alam kong may kalokohan ka.
I respectfully suggest na 'yong preliminary investigation, 'yong resulta, especially the exit conference, I'm sure you know that... kung maganda naman na hindi naman ano, it should be kept not...
Do not run the departments. Huwag kayo magimbestiga na kayo-kayo lang magsabi ng ganito-ganito. You like to run the departments the way you want it... Or is it because you want the publicity?
Alam mo, maraming nademanda sa COA. Karamihan diyan, bribery and falsification.
On the highest case of COVID-19 in the country yesterday: Hindi kailangan baguhin ang pandemic reponse ng gobyerno. Kailangan ito pag-aralan (granular lockdowns) ng National Task Force
There's a rise of COVID cases all over. Hirap ang Amerika ngayon, Europe is suffering. Turkey, Saudi Arabia, marami ang patay. Sa atin hawa lang, ang patay di masyado marami.
For the meantime, NCR and the surrounding areas will remain under MECQ until September 7.
Let us continue to be saved from variants by continuing to observe the minimum health standards… And please get vaccinated as soon as your turn comes.
The same people criticizing us today are the same people telling us that we are too slow and we are not prepared.
Name a country na preparado noong pumutok itong pandemya, mag-resign ako bilang presidente. Tayo, nabigla tayo.
For the senators, do not question who I appoint to the agencies of the executive branch. I am the sole appointing authority.
Hinahamon ko kayo. Kapag wala kayon naipakulong, wala kayo. Purnada talaga.
Itong procurement... ito 'yong sa unspent, napahiya kayo.
Tanungin ko si Panfilo Lacson. Are you honest? Answer me truthfully. Are you honest?
Do not run the department for Duque. Hayaan niyo siya. Bantayan niyo lang ang resulta kung tama ba.
On paying out SRA: 'Di ka basta-basta maggasta. Magbayad ka nang walang basis, maf-flag ka na naman.
On PhilHealth President Dante Gierran: Tinanong ko siya. Bakit mahina ka? Sabi niya "I have to be careful. I cannot move faster than how I want it to be considering what happened to PhilHealth."
Kindly consider the reduced manpower of the departments. 'Wag n'yo aporahin kasi 'di n'yo maapora yan, mabuti sana kung tumutulong kayo diyan.
Kung bastusin kayo the way you are treating Duque, who cannot even complete his answer without being interrupted, stand up. If they cite you in contempt, maghanap ako ng paraan. Makukuha ko kayo in 24 hours.
Sec. Silvestre Bello III, DOLE:
Mr. President, bago ang inyong administrasyon, ang pinakamababang unemployment rate na natamo ay 6.3% noong 2015 habang ang pinakamababang underemployment rate ay 18.4% noong 2014.
Pagpasok ng inyong administrasyon, nakamit natin ang pinakamababang level ng unemployment na 5.1% at underemployment rate of 14%. Nadali lang po tayo ng pandemya noong Marso 2020.
Ganunpaman, unti-unti na nating nababawi ang mababang unemployment at underemployment rate.
Sa kasalukuyang administrasyon, tumaas ang pondo ng DOLE by 142.8% samantala, tumaas naman ng 545% ang pondo ng TUPAD at GIP.
Ito po ay para mas matulungan ang mas maraming manggagawa.
Malinaw ang hangarin ng DOLE na magkaroon ng mga oportunidad ng mga disenteng trabaho dito sa bansa. Ngunit, kung ang nais ng ating mga kababayan, ang mangibang bansa, handa naman ang DOLE na bigyan sila ng sapat na proteksyon mula sa kanilang pag-alis hanggang pagbalik sa ating bansa.
Ating sinisiguro na maayos ang kanilang dokumento kaya itinayo natin ang 18 One-Stop Shop Service Center for OFWs sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Pinagigting din ang kampanya laban sa illegal recruitment kaya nagkaroon ng 32 convictions for illegal recruitment.
In 2018, we established 'yong OFW Bank.
Habang nasa ibang bansa ang OFWs, patuloy natin sila binibigyan ng proteksyon sa pamamagitan ng nilagdaang bilateral agreements at ASEAN Consensus on the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers.
Under AKAP, namahagi ang DOLE ng tulong pinansyal sa 536,764 displaced OFWs.
Na-endorso na po namin sa Kongreso at sa Senado ang panukalang batas para sa OFW Hospital.
Sec. Francisco Duque, DOH:
Batay po sa inyong kauutusan, naibigay na ang SRA sa maraming pribadong manggagawang pangkalusugan at may ilang natitira pa sa mga pampublikong pasilidad.
Ang mga pangunahing mga lugar na kung saan galing ang mga bagong kaso ay Cavite, Laguna, Bulacan...
So as of August 27, we were able to download sa ating DOH Centers for Development ang halagang P311.79 million na binigay po ng DBM para mapondohan ang SRA.
Ang P237.28 million na SRA ay naipamahagi na po sa mga LGUs at mga pribadong ospital as of August 30.
Sa ngayon po, may natitira pa po na P74.51 million SRA na ipamahagi sa mga natitirang LGUs at mga pribadong ospital.
Sec. Carlito Galvez, Vaccine Czar:
'Yong 1,700 napakababa po ng panahon na 'yon as compared po na nakita namin na pricing list na pinakita n'yo po ng previous government na 3,800 ang isang PPE.
'Yong binili po natin Mr. President, tuwang-tuwa po 'yong PGH kasi binigyan po natin. Napakaganda po ng quality. May safety seal po.
Sa vaccine process po natin, ito po ang ating current na 48.8 million total vaccines that arrived.
Bukas, (today, August 31), may darating po na Sinovac mula sa China na another 3 million.
Bili po ito. One ship lang po ito. Ibibigay po natin ito sa mga probinsya lalo na po doon sa Cavite, Laguna, atsaka 'yong mga tinatamaan ng malaki.
Ang Metro Manila baka kaunti lang ibibigay natin, 'yong pang-second dose nila.
Sa ngayon po, may inaasahan pa po tayo na more or less 137 million at 'yon po ay darating this coming September, October, November, December.
Sa ngayon din po, mayroon na po tayong higit sa 33 million COVID-19 vaccine doses na naadminister. 13.78 million ang nakakumpleto na ng bakuna habang 19.31 ang nakakuha na ng kanilang first dose.
Komentarze