top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

TALK TO THE PEOPLE OF PRES. DUTERTE ON COVID-19 HIGHLIGHTS

September 8, 2021





President Rodrigo Duterte:

  • Nandito na naman kami because may pangako ako na I would keep you posted kung ano ang ginagawa ng gobyerno, particularly 'yong executive department.

  • In every dialogue like this with you, it is always the health of the people in view of the pandemic and itong ekonomiya.

  • So hirap tayo sa ekonomiya, hirap naman tayo dito sa health.

  • Ngayon kung sa health naman natin ilagay lahat ng resources natin, naka-focus tayo diyan, babagsak itong ekonomiya natin, babagsak ang Pilipinas.

  • Kaya karapat-dapat lang na ibigay natin ang lahat ng mga datos para maintindihan ng mga Pilipino.

  • On drug operations: Dalawang operations 'to, isa sa Subic... may follow-up sa Bataan.

  • If you look at it very closely and ponder, malaman n'yo kung bakit noon pa ay talagang galit na galit ako sa droga. It has corrupted, not only our young people, it has corrupted even our policemen.

  • Mga generals pa ang involved. Noong pumasok ako sa pagka-Presidente kaya sinabi ko noon, "Akala ko ba ang kalaban ko dito mga durugista lang kaya sabi ko in 6 months, madali naman ubusin 'yan."

  • Hindi ko alam na noong pumasok ako dito, tinanong ko si (Sen.) Bato, sabi ko, "Buksan mo lahat ng records," at doon ko nalaman na may mga 6 na generals. Kalaban ko ang gobyerno.

  • But this time, to the credit of our security forces, ito naman ang kanilang accomplishment. I would like to extend my highest commendation and heartfelt gratitude for protecting the country against the destruction of drugs.

  • That is the psychological setup of everybody na nakapasok na sa droga. Contaminated na 'yong katawan. Lahat 'yan. Maski na sabihin ko na nakikinig sila... gano'n, sabi nga nila...

  • That is the reason why they are armed.

  • Kaya may mga baril, sandata, is because of the psychological setup na may kalaban sila.

  • I'm sorry for the lost of lives. Hindi naman natin ginusto 'yan but I just hope the country (audio inaudible)... we have laws to follow.

  • At tayo naman, kayo mga Pilipino sabihin ko sa inyo, kapag nasabit kayo sa droga sa labas, hindi ako makikialam.

  • Sabihin ko sa mga ambassador, you do your thinking, whatever you want to do. Pag-isipan n'yo na pero ako ayaw ko.

  • Si (Sec.) Karl, taga-NEDA. Siya 'yong magddrawing ng plano at tutumbok ng objectives natin tapos 'yong implementing agencies ay 'yong mga cabinet members.

  • Ito ang mainit na issue ngayon, 'yong procurement ngayon ng medisina at 'yong mga over medical supplies tulad ng PPE...

  • There's why tayo... may krisis, still going on up until this moment.

  • The government is hard-pressed to come up with the (audio inaudible). Kailangan nating bumili ng kanilang PPE... and everything... those where in need at the moment.

  • R.A 9184 allows negotiated procurement during a state of calamity.

  • Walang korapsyon sa procurement ng gobyerno.

  • Unang isyu is unspent. Nagtatanong sila ng... (Congress) "Bakit may pera kayo P63 billion o 62 na hindi pa nagamit?"

  • You know, when you give funds to a department, it is programmed by that department.

  • Do not run the department as if it is a parang opisina lang ng Senado.

  • Do not dictate... siya 'yong... si (DOH Sec.) Duque 'yong nagpapatakbo no'n. Let him make the programs then spend the money.

  • Let him (Sec. Duque.) complete his work. At the end of the day, kung palpak ang trabaho niya then that is the time for reckoning but not before completing the program under his department.

  • Walang korapsyon. Ako na nagsasabi. Ang una ko nga utos nung unang pagputok nitong pandemya sa kanya (Duque) ay buy all things kasi mamamatay na 'yong mga doktor. Do not go into a bidding because it will delay the delivery and will cause murder.

  • Alam mo sa totoo lang, wala rin silang magawa. Ni laway nila hindi makapigil ng COVID.

  • Kaya nga noong una, wala tayong vaccine... nag-appoint ako kay Sec. Galvez... he was in the wilderness looking for the vaccines until China donated so ang first vaccine natin, 'di natin binili binigay ng Tsina.

  • Kung mayroon mang na-overlook, 'yong nakaligtaan, mga pagkukulang, kino-correct naman agad pero it was not a question of money.

  • Now, itong sa Senate Blue Ribbon Committee, sa totoo lang, ginagawa n'yo ngayon is really politicking. We have done so much that the fight cannot be done based on merit.

  • Ewan ko ba. Baka wala na sila ma-display na nagawa nila kaya naghahanap ng ikagagalit ng tao sa akin.

  • Sa Pilipino, ito lang ang iiwan ko sa inyo. Bababa rin ako... pero sabihin ko sa inyo, iyong oath of office ko, talagang tinupad.

  • Ngayon, ito na lang, kung maniwala kayo sa kanila... tanungin ko kayo, may nakita ba kayo na magandang batas na nakatulong sa batas?

  • Kung sasabihin n'yo na ako ang nagkulang, e 'di sorry.

  • Ginawa ko ang lahat. Kung kulang pa, patawad po. Ito lang po ang kaya ko.

  • Pero itong mga senador, 'di n'yo ba nakita na sila lang... hindi na kayo nagsawa sa kanila?

  • Sa totoo lang, what spectacular achievement they achieved?

  • On Senate hearings: Kung ayaw niyo pakinggan, gumawa na lang kayo ng report diretso. Diretso na.

  • Hindi ang PS-DBM ang nag-decide kung ano ang bibilhin. Sinunod lang nila ang pinagbili ng DOH.

  • Hindi lang ang DBM ang nagtulong, marami ang nagtulong sa DOH kasi hindi nila kaya talaga.

  • Ako noon, tanggalin na ang face shields. Sabi ko na pwede na siguro dalhin pero nung dumating ang variant na ito na Delta, natakot ako.

  • 'Yon, mali ko 'yon. Ako ang nagsabi na huwag na. (face shields) Akin 'yon. It was my call pero I believe in good faith na hindi na kailangan.

  • On Sen. Gordon: Pero ikaw Gordon, mahilig kang mag-imbestiga ng anomalya, katiwalian pero pagdating sa iyong Red Cross na hinawakan mo, for the longest time, 'di ka na natanggal diyan, dapat palitan ka na.

  • Ngayong ikaw ang i-audit, ayaw mo. Bakit?

  • Itong sabi ni Gordon na 'di siya pwede ma-audit, takot ka kasi alam mong marami ka nang atraso all throughout the years and you can't possibly have the time to cover up everything.

  • On special risk allowance: Gusto ko ipaabot sa health workers na kung may pera lang, ibibigay namin lahat 'yan. Give us time to adjust to the finances.



Sec. Karl Chua, NEDA:

  • Nagsimula po ang Duterte administration noong 2016 na may hangarin na by 2022 maiangat natin ang 6 na milyong Pilipino sa kahirapan at maging upper-middle income country.

  • By 2049, ang hangarin po natin dulot ng mga reporma ay wala na pong magugutom at maging high-income country ang ating bansa.

  • Para mangyari po ito, ds simula po ng inyong administasyon, mayroon po tayong zero to ten-point socio economic agenda.

  • 'Yong ating zero to ten-point socio economic agenda ay naipasok sa ating Philippine Development Plan 2017-2022. Ito po 'yong gabay natin para iplano ang paggabay ng ating bansa.

  • Ngayon po, sa loob po ng nakaraang limang taon, gusto ko po iulat ang 5 sa pinakamalaking kontribusyon ng NEDA sa inyong administrasyon.

  • 'Yong una po ay strong economic management, national ID, Rice Tariffication Law, Infrastructure at Ease of doing business.

  • Ang una po ay strong economic management. 3 po 'yong gusto natin maramdaman ng ating kapwa-Pilipino. Ito 'yong pagbaba ng presyo, may trabaho at may sapat na kita.

  • Sa unang apat na taon ng inyong administrasyon, nakapag-record tayo ng isa sa pinakamataas na socio or economic growth rate. Ang average po ay 6.6% mula 2016 hanggang 2019, bago pumasok ang COVID-19 pandemic.

  • Nakita rin natin ang pinakamababa na antas ng unemployment at underemployment rate at 'yong pinakamababang poverty rate sa ating kasaysayan.

  • Totoo po 'yong ating pangako na maiangat 'yong 6 na milyong Pilipino sa poverty o kahirapan ay na-achieve po noong 2018, 4 years ahead of our schedule.

  • Kahit nasa pandemya po tayo, binabalanse natin ang COVID and non-COVID concerns ng ating mga kababayan.

  • 2.5 million jobs po ang na-create natin since the start of pandemic, ito po ay bago pumasok ang Delta variant.

  • 1.5 million na po ang nakatanggap na ng national I.D. 50 to 70 million ang nais naming makatanggap ng national I.D. bago matapos ang taong ito.

  • Ngayon po, binigyan n'yo po kami ng budget na umaabot ng P1.6 billion sa taong 2019... ang aming utilization rate ay 98%. Ibig sabihin, ginagamit ang budget na nilalaan para sa amin.



Sec. Mon Lopez, DTI:

  • Tamang-tama po kasi kung matatandaan natin nung isang taon, nag-umpisa noong January ang unang sakuna, 'yong pumutok 'yong Taal.

  • Nagkaroon ng demand sa mask. Ang mask na kinailangan noon ay N95 pa. Prior to that, wala naman pong pumapansin sa face mask.

  • Kailangan maalala natin itong mga nangyari dahil ito ho talaga ang nag-determine ng paggalaw ng presyo at alam po natin ang Law of Supply and Demand. Gano'n lang po ka-simple. Hindi po talaga natin maalis 'yon.

  • Out of nothing, walang nag-dedemand, biglang naghanap so talagang umakyat po ang presyo at wala rin po tayong local producers.

  • ...'yong presyo noon, umakyat na. Dati less than P1, naging piso hanggang P8. January. Ang bilis ng pag-akyat.

  • Noong Feb. 11 nag-declare na po ang DTI at DOH ng SRP. P3 to P12 lang (face mask)

  • Pero noong March 16, noong nagkaroon na tayo ng ECQ, P28 na.

  • Ibig sabihin, up to the point, nasa gano'n pa rin ang presyuhan ng face mask na ganito po.

  • Eventually, may mga nakapasok at nakapagbenta na rin. Nakapagsupply (face mask)



Sec. Vince Dizon, Testing Czar:

  • Gusto lang po naming i-clarify ni Sec. Galvez, (na sinabi kanina sa Senate Blue Ribbon) ...gusto ko po sana susugan na noong panahon po na 'yon, marami po siguro nakakalimot sa sitwasyon natin noong March, April May of last year.

  • Paulit-ulit po niya sinabi na hirap na hirap po talaga ang paghahanap ng National Government ng mga kinakailangan na supply lalo na sa mga healthcare workers.

  • Nasabi na po ni Sec. Galvez 'yong dami ng mga healthcare workers na namatay.

  • To give you an anecdote Mr. President, nagpunta po kami ni Sec. Galvez sa Cebu at the height of the surge noong April and alam n'yo nakakita kami sa mga ospital na ang mga face mask ay nakasampay sa sampayan.

  • Tinanong po namin ni Sec. Galvez kung bakit nasa sampayan 'yong mask. Ang sabi nila "Sir kasi po wala na po kaming mask."

  • Hirap na hirap po noon. Naghahanap si Sec. Galvez ng warehouse, anu-anong logistical resources para mabilis ma-distribute... it's important to remember how difficult it was. Thankfully nagkaroon tayo ng supply.

  • All of us will be judged by history. That period was a really difficult one but through the work of everybody and your leadership, Sir, kahit papano marami tayo nasalbang mga buhay nun.



Sec. Harry Roque, Presidential Spokesperson:

  • Well napanuod po ng taumbayan ang hearing sa Senate pero napanuod po nila ang aking panig.

  • Una, mayroon bang overpriced sa PPE? Ang sagot. Wala. Ano ang ebidensya? Ang binili po natin is P1,716 para sa 9-piece PPE compliant with WHO standards.

  • Ang binili ng nakaraang administrasyon ay P3,500 hanggang P3,800. Hindi po tayo nangbibintang ng P3,500 at P3,800 ay overpriced.

  • Pero, kung hindi natin pagbibintangan na overpriced ang P3,800 e lalo na po siguro ang P1,716.

  • Bukod pa po dito, wala pong kahit anong downpayment na binayaran. Binayaran lang po, pagkarating ng PPE sa Pilipinas at pumasa sa inspeksyon at sagot din po ng importer pati 'yong transportation etc.

  • Malinaw po 'yan. Sa batas po, sa ebidensya, there was an attempt to mislead.

  • Bakit po? Kasi po nagpakita sila ng presyo na P1,300 daw po ang PPE. Bakit ko po sinabi na misleading at ang objection sa korte niyan your honor ay misleading kasi ang petsa po ng P1,300 ay petsa po ng Hunyo. Ang pinag-uusapan natin ay magkano ang PPE noong petsa ng Abril kung saan nagsisimula ang pandemya at talagang nagugulantang ang lahat ng bansa sa daigdig kakakuha ng PPE.

  • Syempre po, dahil po ang buwan ng Hulyo ay dalawang buwan na pagkatapos ng Abril, dumami ang supply kaya po bumaba ang presyo ng PPE.

  • Ulitin ko po, kung sa hukuman po 'yong ginawa ng Senado, objection your honor, misleading and it will be sustain kasi ibang buwan po ang kanilang pinag-uusapan.

  • Ang pangalawang isyu po. May overpriced sa face mask? Ito po simple lang. Ewan ko lang kung nadiscuss ni Sen. Lopez. Noong Abril, Sec. Lopez, for the record, magkano ang SRP ng mga face mask?

  • Sec. Lopez: Again, noong March-April, nasa P28 ang SRP ng face mask. Noong mga bandang June, July doon na nagkaroon ng ilang suppliers. Kaya kapag ibang buwan, iba na ang presyo)

  • Mayroon po bang overpricing? Wala. Ano ang ebidensya? SRP.

  • Ang pakiusap ko lang po sa ating mga kababayan, huwag papalinlang kasi ang ebidensya ay ito ang ginagamit natin para pruwebahan ang dapat pruwebahan sa hukuman. Ito ang magpapatunay ng kung ano talaga ang katotohanan.

  • Pagdating naman po sa isyu kung dapat ma-audit ng COA ang PRC (Philippine Red Cross) ...dahil as ating batas, unang-una maski ikaw ay pribado o NGO, kapag tumanggap ka ng salapi mula sa kaban ng bayan. iaaudit ka ng COA.

  • Sa akin po, walang legal na basehan yung sinasabi nila na 'di pwede ma-audit ang Red Cross.

  • Bakit ba nila sinasabing pribado ang Red Cross? Well sa batas, sui generis ito, one of its kind. Bakit po? Binuo po ang Red Cross para makapasok sa lugar na may digmaan para makapagbigay ng humanitarian assistance.

  • Humihingi sila ng advance payment (PhilHealth). Pero sa COA rules, walang advance payment, dapat reimbursement lamang.



Sec. Carlito Galvez, Vaccine Czar:

  • Susugan ko lang po 'yong sinabi ni Sec. Vince Dizon na dapat po makita natin 'yong context ng mga prices pati 'yong mga nangyari. Parang nahahalo po kasi 'yong mga datos not relative to the date.

  • Kung makikita po natin na nagsimula po mag-open 'yong Senate Hearing, medyo sumama na po 'yong loob namin kasi 'yong context agad na there is a P42 billion plundered, na parang may kinuha tayo na P42 billion.

  • At the same time, they are painting that there are anomalous transactions on the government procurement of PPE and supplies.

  • Pero tama po 'yong sinabi n'yo Mr. President na 'yong PS-DBM ay painted... even po 'yong personal ano po no Lloyd...

  • Ang sinasabi ng ilang senador na we favored the Chinese supplier over the local producers, out of context iyon. Noong April, walang capacity, nag-repurpose lang sila, walang kapasidad.

  • Ang objective natin was to save lives. How can we think about something else? Sir, ang laki ng takot namin sa'yo... sinabi niyo sa'kin, gawin niyo na ang lahat, 'wag lang maging corrupt.



Sec. Francisco Duque III, DOH:

  • Mula po noong September 2020 hanggang Hunyo 30 ngayong taon, nakapagbigay na po tayo ng humigit-kumulang P14.3 billion na healthcare worker benefits.

  • Kasama dito ang hazard duty pay at special risk allowance...

  • Patuloy ang pamahalaan sa pagtugon sa panawagan ng ating healthcare workers upang makatanggap pa ng mga benepisyo.

  • Kaya naman po mula sa inyong direktibaa at sa pamamagitan din ng suporta ng DBM, tayo po ay nakapagbahagi pa ng P311.79 million at ngayon ay may karagdagan na P888.11 million para po muli sa SRA sa mas marami pang healthcare workers.

  • Sa usapin naman po ng mga sickness and death benefits ay ito pong compensation para sa mga tinamaan ng COVID-19 na healthcare workers, ayan po ay para sa mild and moderate, binibigyan po natin sila ng P15,000 samantala ang mga severe at critical ay binibigyan po natin ng P100,000.

  • Sa death naman, 'yong pamilya ng namatayan (ng healthcare worker) ay tumanggap naman ng P1 million.



Sec. Eduardo Año, DILG:

  • Ang ibibigay ko pong ulat ay tungkol po sa ayuda. Malaking pera po ito.

  • Sa atin pong updates ng ayuda sa NCR, nakikita po natin na naka-97.92% na po tayo at 11 million beneficiaries po ang nakatanggap ng ayuda.

  • 12 LGUs na po sa NCR ang nakatapos na sa pamimigay ng ayuda.

  • Sa probinsya naman po ng Laguna, 81.64% naman po ang naibigay nating ayuda sa 2,216,587 beneficiaries.

  • Ang isa pa pong probinsya ay Bataan. Ito pong Bataan ay may 32.37%. Ang nakatanggap po ay 226,055 beneficiaries.

  • Nagbigay po tayo ng support to barangay development program na nagkakahalaga po ng P16.44 billion.

  • Mula 2026-2019, mayroong 822 barangay nadeklarang cleared of NPA influence.

2 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page